top of page

 Isports 

arjan-bhullar-brandon-vera-one-dangal-9.

Larawan mula sa MMA Junkie USA Today

BAGONG HARI:

Humphrey Soriano

31 May 2021, 04:00 P.M.

Bhullar sinungkit ang ONE: DANGAL Championship, kinabig via TKO

  • Facebook
  • Twitter
Asset 252.png
NCPO PINAS

Malaya at Mapagpalaya
Ang Opisyal na Pahayagan ng NCPO Pinas+ mula sa Lungsod Quezon, Pambansang Punong Rehiyon.

Sa pagpatak ng 4:27, panibagong hari ang isinilang.

 

Ginapi ni Arjan “Singh” Bhullar si Brandon “The Truth” Vera via technical knockout (4:27) upang mapasakamay ang ONE Championship Heavyweight title noong ika-15 ng Mayo sa Singapore Stadium.

 

Maagang sinargo ng Indian-born fighter ng hard-hitting jabs at fists upang agad na sindakin ang reigning King sa pagbubukas ng unang sagupaan ng laban.

 

Humataw ang 35-year-old fighter ng sunud-sunod na hooks na umukit ng winning condition para kay Bhullar matapos ang isang canvas lockdown bago tumunog ang bell at tapusin ang first canto, Bhullar dominating.

 

Nagbukas ang second round sa mainit na Vera matapos ang sunod sunod na leg kick na nagmistulang dumiskaril kay Bhullar.

 

Ngunit ang tadhana ay nasa kamay ni Singh.

 

Naging mainit na sagupaan ang second bout ng laban matapos ang impresibong combos ni Singh dahilan upang mapunta sa defensive stance si Vera.

 

Isang mainit na body jab ang pinakawalan ni Bhullar na siyang kumorner kay Vera at maisagawa ang isang successful takedown na agad sinegundahan ng pounds and kicks.

 

Inundayan ng sunud-sunod na combinations at fist ang reigning King na nagbukas ng pangalawang pagkakataon para sa second takedown na siyang nagtakda para sa referee na itigil ang laban, TKO in favor of Bhullar.

 

“Absolutely, we were going to box him up, get in that range, wrestle and break him with pressure – that was the game plan,” ani Bhullar.

 

Naitala ang dating Olympic wrestler na si Bhullar bilang kauna-unahang Indian MMA World Champion matapos ang 11-1 record.

Other Stories

Lathalain 2 Extended.png

 Lathalain 

28 May 2021, 06:00 P.M.

Jeschel Nava

Diana Ranoa.png

 Agham 

27 May 2021, 11:00 A.M.

Brian Ycoy

Editoryal Landscape.png

 Kolum 

27 May 2021, 06:00 P.M.

bottom of page