Agham

Larawan mula sa The Electron
Tagumpay na Malalasap:
Ang Paglalakbay ni Diana Ranoa
Brian Ycoy
27 May 2021, 11:00 A.M.

NCPO PINAS
Malaya at Mapagpalaya
Ang Opisyal na Pahayagan ng NCPO Pinas+ mula sa Lungsod Quezon, Pambansang Punong Rehiyon.
Sa ikaapat na taon ng high school umusbong ang pagmamahal sa agham ng isang estudyanteng ngayo’y isang bayaning ituring. Siya ay si Diana Rose Ranoa, Quezon City Science High School Batch 99 alumna at isang molecular biologist.
Lumaki sa simple at payak na pamumuhay si Ranoa. Siya ay kalimitang pumapasok upang matuto sa mga mas mataas na lebel na mga asignatura ng haynayan. Gabay niya ang dating guro sa eskwelahan na si Ma’am Obligar na nagpa-usbong at nagbigay-aruga sa dating mumunti na ngayo’y namumungang karunungan.
Kumuha siya ng degree sa Bachelor of Science in Molecular Biology and Biotechnology sa University of the Philippines (UP) Diliman. Sa panayam ng The Electron, nais ng kaniyang mga magulang na siya’y maging doctor kaya kumuha siya ng pre-med noong nag-apply sa kolehiyo. Molecular Biology ang una niyang pinili at Biology ang second choice. Sa kaniyang pagtatapos, sinimulan niya ang isang pag-aaral tungkol sa kanser at ang immune system ng katawan. Kahit pumanaw ang kaniyang ama sa sakit na lung cancer sa panahong ito, hindi huminto ang lahat – bagkus ay umigting ang pagmamahal na naitanim sa kaniyang puso’t isipan.
Sa gitna ng pandemya ay namunga ang kaniyang mga pagsisikap. Kasalukuyan siya’y nasa Unibersidad ng Illinois at patuloy na nag-aaral patungkol sa kanser. Nang binalot ng pandemya ang buong mundo, huminto sa paggawa ng mga aktibidad ang buong unibersidad at kasama na rito - huminto ang kanilang pag-aaral. Hindi nawalan ng pag-asa si Ranoa at ang kaniyang mga kasamahan. Dahil si Ranoa ay may kahusayan at kasanayan pagdating sa molecular biology, siya’y inatasan ng kaniyang boss upang makahanap ng paraan sa pag-track ng virus at pag-test sa mga estudyante. Ito ngayon ang kilala na saliva testing ng CoViD-19.
“We worked around a test using saliva, because one if you want to test everyone you won’t be able to convince everyone to get tested if it’s through a nasal-pharyngal swab, so we’ll use saliva because already there were studies back then that the virus is detectable in saliva,” ani Ranoa.
Ang kanilang natuklasan ay naging laman sa mga ulo ng mga balita. Sa panahon bago natuklasan ang saliva testing, imposible ang naturang suhestiyon dahil ang paghalo ng saliva at RNA ng virus ay magreresulta lamang sa pagtunaw ng saliva sa RNA. Ang team nina Ranoa ay nakahanap ng bagong paraan na hindi magdudulot ng pagkatunaw ng RNA at mapanatili na ang virus ay ma-dedetect.
Umaabot ng 10,000 tests ang isinasagawa araw-araw sa unibersidad simula ng ito’y natuklasan. Sa sumunod na tatlong buwan ay siya ang naging tagapamahala ng lab testing at naging trainor para sa large-scale testing. Sa kasalukuyan ay kaniyang ipinagpatuloy ang kaniyang pag-aaral patungkol sa kanser. Sari-saring mga kemikal ang tinetest niya sa mga mice o daga upang malaman kung ito’y epektib laban sa mga cancer cells.
Nang siya’y kinapanayam kung ano ang maibibigay niyang mensahe sa mga Scientians ngayong new normal, kaniyang sinabi na:“’Chance favors the prepared mind’, Louis Pasteur once said that, and I would like to say the same to Scientians everywhere: keep studying and always be prepared”.
Tagumpay na nalasap ng isang estudyanteng ngayong bayani sa panahon ng pandemya ay tagumpay na nalalasap ng lahat.
Other Stories