top of page

 Kolum 

Kolum-2-Landscape.png

Dibuho ni Patrick Santos

Hamon sa Pagdedesisyon

Kyla Ramos

27 May 2021, 02:00 P.M.

  • Facebook
  • Twitter
Asset 252.png
NCPO PINAS

Malaya at Mapagpalaya
Ang Opisyal na Pahayagan ng NCPO Pinas+ mula sa Lungsod Quezon, Pambansang Punong Rehiyon.

Kahit paulit-ulit pang ipaalala ang matalinong pagboto, mayroon pa ring mas malalim na dahilan kung bakit pinipili ng mga taong iboto ang mga trapong pulitiko. 

​

Paparating na naman ang eleksyon na inaasahang ganapin sa Mayo 9, 2022 kung saan ihahalal ang mga bagong miyembro ng ehekutibo at lehislatibong sangay ng pamahalaan. Mahalaga ang magaganap na halalan sapagkat makapipili na ulit ang mga mamamayan ng taong karapat-dapat sa posisyon. Kahit nasa kanilang kamay ang desisyon, ang mga mamamayan ay mistulang sinusubok pa rin ng pagkakataon. 

"

Hindi na bago sa Pilipinas ang mga gawaing pailalim pagsapit ng eleksyon. Isa na rito ang pagbili ng boto. Maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay sinabing ang vote buying ay “integral part” ng eleksyon sapagkat ang ating bansa ay mahirap. Sa katunayan, 441 tao ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) noong Halalan 2019 ayon kay dating PNP Chief Gen. Oscar Albayalde. 

​

Bilang patunay, nakasaad sa ginawang survey noong Hunyo 2019 na inilabas ng Social Weather Stations (SWS) na mayroon talagang nagaganap na vote buying at pinakamataas ito sa Mindanao. Nasa 26% ang nagsabing saksi sila mismo rito. Nakapanlulumong hanggang sa kasalukuyang panahon ay hindi pa rin nabubura ang ganitong gawain ngunit ang bawat gawain ay may nakakubling dahilan. 

​

Hindi mabubusog ng pagpapanatili ng dangal ang kumakalam na sikmura. Iyan ang nakikita kong dahilan kung bakit marami pa ring nasisilaw sa pera. Madaling sabihing maging matalino sa pagboto at huwag ipagbili ang dangal sa halagang 500 piso ngunit ang panandaliang ginhawang dala nito sa buhay ng mahihirap ay mahalaga para sa kanila. 

​

Isa pang dahilan kung bakit takot bumoto ang mga tao ay ang banta sa kaligtasan nila. Noong Mayo 13, 2019 o nakaraang eleksyon, naitala ang magkakahiwalay na kaso ng karahasan sa mga botante at poll watcher. Ayon sa Rappler, kabilaang pagsabog, pamamaril, at pananakot ang nangyari sa Sulu, Cebu, at Maguindanao. Kahit ako mismo ay matatakot kung ganito ang mararanasan ko bago bumoto.

​

Sa kabilang banda, lahat naman tayo’y parehong may sala at biktima. Ang mga pulitikong nabulag sa kapangyarihan ay pinabayaan na ang dignidad alang-alang sa panandaliang saya ngunit ginagawa rin ito para sa pera. Biktima rin ang mga tao ng sistema kaya sila nasilaw sa pera kahit pa may kakayahan naman silang kontrolin ang desisyon nila. 

​

Ang pinakamagandang solusyon dito ay ang paggamit natin nang tama sa ating kapangyarihan bumoto. Kasabay ng pagbibigay-kaalaman sa iba, nawa’y iboto pa rin natin ang karapat-dapat alang-alang sa mga hindi makaboto nang maayos dahil sa banta sa kaligtasan. Intindihan pa rin ang iba’t ibang rason ng kung bakit nangyayari ang mga gawain gaya ng vote buying ngunit kailanman ay hindi dapat ito kunsintihin. 

​

Huwag maliitin ang kapangyarihan bumoto sapagkat sa huli, desisyon pa rin natin kung sino ang maluluklok sa pwesto.

​

Sanggunian

CNN Philipppines Staff. (2019). SWS: Reports of vote buying highest in Mindanao. Cnn. https://cnnphilippines.com/news/2019/9/11/sws-survey-vote-buying-mindnao.html?fbclid=IwAR12tBgFbv9VkW38piU71FX-xPh5RCraFlWjzJHD98m9iOk-tmSOL2ch-TE

​

Marquez, C. (2019, May 14). PNP: 441 arrested across Philippines for alleged vote buying. INQUIRER.net. https://newsinfo.inquirer.net/1118680/pnp-441-arrested-across-philippines-for-alleged-vote-buying

​

Rappler.com. (2019, May 13). Election-related violence disrupts voting in various provinces. Rappler; Rappler. https://www.rappler.com/nation/elections/election-related-violence-disrupts-voting

​

Romero, A., & Regalado, E. (2019, May 14). Vote buying an integral part of Philippine elections — Duterte. Philstar.com; Philstar.com. https://www.philstar.com/headlines/2019/05/14/1917698/vote-buying-integral-part-philippine-elections-duterte

Hangga’t may mga kandidatong sinasamantala ang sitwasyon ng mararalita manalo lamang sa halalan, sa pagbili man ito ng boto o pananakot sa botante, lalong malulugmok ang bansa sa kamay ng mga abusadong hayok sa kapangyarihan na hindi naman isinasapuso ang serbisyo publiko. 

Other Stories

Editoryal Landscape.png

 Editoryal 

27 May 2021, 06:00 P.M.

Diana Ranoa.png

 Agham 

27 May 2021, 11:00 A.M.

Brian Ycoy

Lathalain 1.png

 Lathalain 

26 May 2021, 06:00 P.M.

Jeschel Nava

bottom of page