Lathalain

Disenyo ni Achilles Fayloga
Minulto ka na rin ba?
Jeschel Nava
31 May 2021, 11:00 A.M.

NCPO PINAS
Malaya at Mapagpalaya
Ang Opisyal na Pahayagan ng NCPO Pinas+ mula sa Lungsod Quezon, Pambansang Punong Rehiyon.
Sabi nila matakot daw ako sa buhay at huwag sa patay, pero anong dapat kong maramdaman sa bagay na kung kailangan itinuring na patay na ay siya namang muling pagka-buhay ng lahat ng karimarimarim nitong ala-ala?
Unang araw mong nagtrabaho noon bilang katulong ng namamahala sa isang museyong malapit na rin atang magsara. Wala na kasing masyadong interesadong bumisita dahil matagal nang kasaysayan na lamang ang pag-aaral ng kasaysayan. Wala nang may nais na balikan pa ang nakaraan at lahat sila iniisip na ito ang siyang pumipigil sa pag-usad ng inyong kinabukasan.
Habang naglilinis ka ng pasilyong nakalimutan na ang pakiramdam lakaran ng mga tao at mga parte ng ating nakaraang binabalot na ng alikabok, may biglang nagpa-sabog. Huli mong narinig ay mga yapak ng mga paa at tuluyan kang nawalan malay. Bakit ka pa nga ba magtataka? Umulit ng umulit ang tinuring nang historya dahil ang akala ninyong pumipigil sa pag-usad ng kinabukasan niyo ay siyang tunay na dahilan kung bakit natamasa niyo pang maging malaya’t mangarap. Ang walang awa ninyong pinatay na nakaraan ay babalik at babalik sa hinaharap upang multuhin kayo sa inyong kasalukuyan.
Nagising ka sa ingay ng mga iyak at panaghoy na kahit ang paulit-ulit na pagputok ng baril ay hindi kayang lamangan. Pagmulat mo’y nakita mo ang dahan-dahan nilang pag harap saiyo. Mayroong duguang kasuotan at hindi makilalang mga mukha –o hindi mo lang sila kilala? Mayroong naka-bahag, naka-polo, barong tagalog at mayroon ding naka-amerikana. Lahat sila ay sa direksyon mo nakatingin, hindi man na sila naka-pagsasalita ay alam mong “pag-asa” pa rin ang tawag nila saiyo. Dali-dali kang tumakbo hanggang nakasalubong mo ang matandang taga-pamahala ng museyo. Tumingin lamang ito sa iyong pawisang mukha at nagtanong, “Minulto ka na rin ba?” at saka ito naglaho.
Other Stories