Balita

GAPANG. Pilit na iniraraos ng mga estudyante ang pag-aaral sa ilalim ng online learning, kung saan walang katiyakan ang edukasyon sa kasalukuyang sitwasyon. (Larawan kuha ni Clarisse Romero)
SA 'DI MAHANAP NA PAGKATUTO:
Isang pagsusuri sa distance learning
Achilles Fayloga
26 May 2021, 11:00 A.M.

NCPO PINAS
Malaya at Mapagpalaya
Ang Opisyal na Pahayagan ng NCPO Pinas+ mula sa Lungsod Quezon, Pambansang Punong Rehiyon.
Lagpas kalahati o 55.9 porsyento ng mga Pilipinong mag-aaral sa Lungsod Quezon ang nagsasabing hindi sapat ang kasalukuyang iniimplementang online learning sa mga paaralan.
​
Base ito sa datos na nakalap sa 348 estudyante sa unang distrito ng Lungsod Quezon noong ika -22 ng Mayo, 2021.
​
Ayon sa nakuhang impormasyon, 41.8 porsyento ng mga mag-aaral ang sakto lamang ang pagkatuto sa mga asignatura.
​
Sa kabilang banda, ang mga bidyong panturo at online synchronous session ang sinasabing nagbibigay ng malalim na kaalaman sa mga asignatura ayon sa mga tumugon sa sarbey.
​





Tinataya ring pinaka-epektibong paraan ng kanilang pagkatuto ang pagiging handa ng mga guro sa pagsasagot sa mga katanungan ng mga estudyante.
​
Ngunit, karamihan sa estudyante ang nakaramdam ng pagkahirap sa mga asignaturang Mathematics, Science, Research, MAPEH, at Social Science.





Nasa 55.2 porsyento ng mag-aaral ang nagsabing masyadong marami ang binibigay na gawain sa kanila ng kanilang guro na naging sanhi ng hindi lubos na pag-unawa sa asignatura.
​
Mahigit kalahati din o 55.2 porsyento ang hindi nararamdaman ang academic ease o paggaan ng pag-aaral.

Dagdag pa rito, halos 48 porsyento ng mga tumugon ang nagsabing tatlo hanggang apat na oras lamang ang kanilang inilalaan na oras sa pagpapahinga; 25.5 porsyento naman ang naglalaan ng lima hanggang anim na oras sa pagpapahinga; habang kaunting bahagi lamang ang nakakapagpahinga ng mahigit pitong oras.
​
Kasalukuyan pa ring pinagpapatuloy ang pagdaos ng online learning sa Lungsod Quezon, at inaasahang online pa rin ang sistema ng pag-aaral sa susunod na taong panuruan.
Other Stories