Balita

PAKIKIISA SA PAGBABAGO. Rehistrado na bilang botante ang ilang SHS na estudyante para sa Halalan 2022. (Larawan kuha ni Clarisse Romero)
PILIPINAS, HANDA KA NA BA?
61% ng estudyanteng SHS sa Quezon City, handa na sa Halalan 2022
Achilles Fayloga
27 May 2021, 04:00 P.M.

NCPO PINAS
Malaya at Mapagpalaya
Ang Opisyal na Pahayagan ng NCPO Pinas+ mula sa Lungsod Quezon, Pambansang Punong Rehiyon.
Nagsagawa ng pagsisiyasat ang isang grupo ng estudyante sa kanilang paaralan noong ika-22 ng Mayo, 2021 ukol sa pagpapa-rehistro ng mga senior high school student para sa eleksyon sa taong 2022.
​
Lumabas sa pagsusuri na anim sa sampung estudyante ang rehistrado na para sa halalan 2022.
​
Naitalang 61 porsyento (64 mag-aaral) ng mga tumugon sa sarbey ang rehistrado na; 22 porsyento (24 mag-aaral) ang magpaparehistro pa lamang; habang 17 porsyento (18 mag-aaral) naman ang hindi pa maaaring magpa-rehistro.
​
Base ito sa datos na nakalap mula sa 105 na tumugon na binubuo ng 31 na estudyanteng nasa ika-labindalawang baitang at 74 na mula sa ika-labing-isang baitang.
​
Ayon pa sa impormasyon, rehistrado na ang karamihan sa mga nasa ika-labindalawang baitang.
​
Sa kabila nito, ang mga nasa ika-labing-isang baitang ang bumubuo sa malaking bahagi ng hindi pa maaaring magpa-rehistro.
​
Tinatayang edad ang pangunahing dahilan ng mga hindi pa maaaring magpa-rehistro.
​
Marahil ayon sa Commision on Elections (COMELEC), nararapat na maging labing-walong (18) taong gulang bago o sa ika-9 ng Mayo, 2022.
​
Ang mga sumusunod ang ilan pa sa kwalipikasyon upang makapag-parehistro:
-
Residente ng Pilipinas ng hindi bababa sa isang taon;
-
Residente ng lugar kung saan ninanais bumoto ng hindi bababa sa anim na buwan bago ang ika-9 ng Mayo, 2022; at
-
Hindi diskwalipikado ng batas.
​
Nananatili pa ring bukas ang COMELEC sa mga nagnanais pang magparehistro para makaboto hanggang sa ika-30 ng Setiyembre, 2021.
Other Stories