Balita

File Photo | Sarah Gates
KAMI-KAMI LANG NAMAN:
Isang pamilya sa NCR Plus, nagpositibo sa COVID-19
Achilles Fayloga
26 May 2021, 04:00 P.M.

NCPO PINAS
Malaya at Mapagpalaya
Ang Opisyal na Pahayagan ng NCPO Pinas+ mula sa Lungsod Quezon, Pambansang Punong Rehiyon.
Nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19) ang isang pamilya sa ika-anim na distrito sa Lungsod Quezon nitong nakaraang Sabado, ika-22 ng Mayo, 2021.
​
Nagkaroon ng salu-salo ang pamilya kasama ang kanilang kamag-anak sa kanilang tahanan.
​
Tatlong araw matapos ang paghahanda, nakaramdam ang isang miyembro ng pamilya ng sintomas ng COVID-19.
​
Lumabas na positibo ito sa sakit at kinailangan sumailalim sa isolation.
​
Matapos nito, nagpa-test din ang ibang mga dumalo sa salu-salo at lumabas ding positibo sila sa COVID-19.
​
Kamakailan lamang inanunsyo ang pagpapagaan ng community quarantine sa buong National Capital Region Plus (NCR Plus).
​
“President Rodrigo Roa Duterte on Thursday, May 13, 2021, approved the recommendation of the Inter-Agency Task Force (IATF) to place the National Capital Region (NCR), Bulacan, Cavite, Laguna and Rizal under General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions from May 15 to 31, 2021,” anunsyo ni Harry Roque, Tagapagsalita ng Pangulo, sa isang pagpupulong sa Malacañang.
​
Giit ni Roque na mas pinahigpitan ang kasulukuyang inimplementang GCQ kaysa sa dating GCQ.
​
Bagamat mas maluwag na ang galaw ng mga tao ngayon, inabisuhan pa rin ng pamahalaan ang taumbayan na sumunod sa minimum health protocols.
Other Stories